Kapag ang isang tao ay nakarinig o di kaya nakakita ng salitang “vermiculture”, siya ay biglang magiisip tungkol sa mga paksang Biyolohiya o di kaya Agham ng Kalikasan; pero, baliktad sa alam ng tao, meron din siyang koneksyon sa isa pang agham, Kimika. Kala ninyo hindi ha? Pero sa realidad, maraming bagay sa vermiculture at sa Kimika ay mag-sayang-ayon; itong mga pagkatulad ay wala sa praktiko ng 2 agham, pero sa kanyang konseptual na kontento.
Halimbawa, ang produksyon ng taba ng mga bulate; kapag ang bulate ay kakain ng 5g ng dahon, kunwari na lahat ng bigat ay ilalabas, ang magagawang taba ay dapat 5g. Ito po ay gamit ng Batas ng Konserbasyon ng Bigat na binuo ni Antoine Lavoisier; ang sinasabi nito ay ang materya ay makakapagpalit gamit ng pisikal at kimikal na paraan; at hindi ito mabubuo o di kaya mawawasak (sa isang normal na reaksyon).
Pero, pwede mong matanong, “Hindi ako maniniwala na ang bulate ay ilalabas LAHAT ng 5g; kaya, ang batas ay hindi tama?”. Ito po ay isang magandang punto. Hindi lahat ng kinakain ay linalabas, kaya merong mali sa batas ni Lavoisier, diba? MALI!!! Kahit na hindi lahat ng pagkain na kinakain ay linalabas, ang pagkain na linalabas ay ang dumi ng hayop, ang IBA ay nahati sa bituka at naging emerhiya ng hayop. Kaya, gamit ng ganitong kaisipan, masasabi po natin na TAMA ang batas ni Lavoisier.
Isa pa, at ang huli naming halimbawa ay ang pagpalit ng organic na material sa taba; DAPAT alam niyo na, sa vermiculture, ang bulate ay kakain ng organic na material katulad ng dahon, ibebreak down, at maglalabas ng lupa bilang dumi (na ginagamit sa pangtaba ng lupa). Ngayon, pwede mong itanong “Meron ba itong relasyon sa Kimika?”. Para isagot ang tanong, MERON. Ang pagpipiraso ng complex na materya ng digestive system ng bulate papunta sa mas simpleng material ay pwedeng ikumpara sa pagpalit ng compound papuntang elemento (o ang pagpipiraso ng complex na bagay hanggang sa mas maliit na partikulo), isang basikong konsepto sa Kimika. Mas madaling ihanap ang link pag iniisip mo ang dahon bilang compound na pinagpipiraso ng isang kemikal reaksyon (sa vermiculture ay ang digestive system ng bulate) and naging mas simpleng elemento (lupa sa vermiculture). Kaya, sa pagkukumparang iyon, ang koneksyon ang nagiging halata na.
Kahit na pwedeng makitang hindi kailangan na alamin ang koneksyon ng Kimika at ng vermiculture, sa realidad ay pwedeng ikabubuti ito. Ang pagkaalam sa koneksyon sa pagitan ng iba’t-ibang agham ay importante kapag ika’y gusting alamin ang konepto at proseso sa mga indibidual na agham; ito ay dahil ang mga basikong konsepto ng mga agham na ito ay magagamit sa lahat ng mga agham at makakatulong sa pagaalam sa mga proseso sa mga agham. Nananawagan kami na itong post na ito ay nakakatulong sa inyo; sana din na ang mga susunod na mga post sa paksang ito ay magiging nakatutulong din at kasama sa inyong buhay katulad nito.
Filed under: Uncategorized | Mag-iwan ng Puna »